Hello mga preggy kikays! Searching ba kayo saan kayo manganak? Gusto mo mag Hospital pero takot ka mag Government Facility due to Pregnancy Discrimination? Gusto mag Private pero pang Charity ang budget?
Ilan lang yan sa mga questions we consider sa pagpili ng mag aalalaga saatin kapag mag pa-pop up na ang Little One nyo. Pero bakit nga ba maraming pumipili ng Lying-In over Hospital? Well, as simple as this.
Value for Money –
Care for the Patient –
Convenience in Labouring –
Well Trained Midwifes –
OB preference Delivery –
In my case, yung pagbubuntis ko alagang OB from a certain multispecialty clinic kasi I’m still thinking kung anong klaseng panganganak ba pipiliin ko, I even consider having a water birth as I want it to be as natural as I can be. I considered giving birth in a Private hospital near our Area and inquire for the fee we need to prepare somewhere in Quezon City but realization from the Lord touches my heart.
Sabi ng Lord, “Pagkatiwalaan mo ako hanggang sa huli anak hindi kita pababayaan” and my eagerness to gave birth from a Private Hospital slowly fades, and immediately search for a birthing home near my place and lucky I am I found Zeti’s Pink Angels and Lying In.
At fist I was hesitant to gave birth there since we are considering my convenience, haha medyo epic failed kasi yung nakausap namin the time na nag inquire kami ng hubby ko hahaha. Siguro ung staff na yun antok pa! Haha syempre 24 hours ang mga lying-in diba? And then I tried to reach out with them, lucky I am nakausap ko yung owner ng Lying-in and the day we visited her other Zetis Branch where we check which birthing branch I am comfortable of.
Lot’s of question from my head pop-op and Ms. Marichu Paguirigan confidently explained to us every details of our inquiry and that made us decided na sa Lying-in na ako manganak.
Oh by the way! Pwede ka manganak sa Lying-In ng Painless through the hands of an OB, in my case I want a natural birthing right? So the Best Team was given to me. Grabe, Lodi ko talaga yung kamay ni Camilla and ni Arnie. Plus the fact na alam ko ung greatest OB ko nasa Loob din, thank you Lord for not leaving me from a 12 hours labor at home through giving birth. All natural, as we planned. Iba ka talaga!
Alam nyo naman na sobrang Kikay ko hihi! Yung pink themed talaga nila yung nanghikayat sakin eh, plus the fact na sobrang gaan katrabaho ng May-ari at ng best hand teams nila. Yung tahi ko hindi ko naramdaman, sa later part na lang nung isasara na ung tahi. Grabe sobrang smooth talaga ng November 13, 2018 for me.
Sa Zetis eto yung naencounter ko:
** Owner na mabait at aalalayan ka, pang masa kumbaga
** Staff na may magic hand at masarap ka-chikkahan
** Kikay na Facility
** Safe Hands, Good Birthing Experience
** Praise and Worship Song all throughout my delivery
** Si Hubby pwede pumasok kapag lalabas na si Little One para makita yung miracle of life na ginawa ng Lord sa buhay natin
Never Ending thank you my Zetis Family for taking good care of me at sa pag intindi aa kaartehan ko hahaha! O diba!? Nakupo kung sa Public Hospital ko ginawa yung mga ginawa ko habang nanganganak baka nabugbog nako ng mga nurse at nasapak nako ng mga doctors hihi (seriously though, mahirap at masakit manganak pero all worth it at nakakaproud) tapos kung sa Private Hospital naman ako hihi nasayang lang ung ibabayad namin.
PS!
Yung matitipid mo sa Private Hospital pwede muna i-budget sa Crib, Stroller, Bottles, Breast Pump, Diapers, Top to Toe Wash, Unlimited use of Wipes, New Born Screening Fee, Pedia Fee, Injection Fees and Many More ( I know naintindihan nyo ung pinopoint out ko)
Sa Lying-In “MAKAKAPAG INARTE KA!” meaning tutok sila sayo as in alagang alaga ka kasi di naman araw araw may nanganganak dun, may times lang talaga na nagsasabay sabay pero kaya naman i-accomodate.
Love,
Mommy Ann
Hi Mommy Ann, sa Zetis din po ako nanganak sobrang babait po nila at napaka gaan sa pakiramdam. 3 years old na po ngayon ang baby girl ko
Hope to meet you soon Mommy Shiela. Thanks for sharing your Zetis moment <3
The best po talaga ang zetis lying in first time mommy palang po ako mas pinili ko ang zetis sobrang maalaga po ang mga staff hangang sa manganak ka anjan sila aalalay sayo kaya i’m so very thankful kai zetis lying in na jan ko pinanganak ang aking panganay .THANKYOU SO MUCH ZETIS LYING IN for the part of
my journey being preggy and mommy .❤️😘
Hi Mommy Amanda, the feeling is mutual. Hope to meet you and you baby soon, I will let the team know your sweet comment join ka soon sa mga pa-giveaways ko ha . God bless ❤
Wow due ko na po next week sa Zetis din ako manganganak sana ganito din po marasanan ko. Following you madam more uplifting content po para saaaming hindi mayayaman
Goodluck Popping Nanay Mina. Hope to meet you too at Zetis clinic!
Ms. Ann salamat sa pagpapalakas ng loob mo saaming mga buntis sa public hospital ako nanganak sa Panganay ko pero dito sa bunso ko susubukan ko mag lying in
Wow really? I’m looking forward for your next birthing story. But this time with Zetis team. God Bless Mommy!
Your post is very enlightening. Thanks for sharing this with us ❤️